Thursday, September 2, 2010

Nang Mahuli kame ni Mr. Cabiling

Naalala ko lang. Dapat matagal ko na ipopost dito yun, wala lang time, anyways let me share to you our great experience with our professor in tourism development.

Bawal gumawa ng kahit ano na hindi related sa subject nya. Kahit lumabas sya ng room ng isang oras, hindi ka pedeng gumawa ng kahit anong hindi related sa feasibilty study na pinapagawa nya. It's like BIG BROTHER IS WATCHING YOU. ganun yung feeling.

May long quiz kame sa Rizal nung araw na yun, pagkatapos ng subject nya Rizal na, syempre as a student anu gagawin mo sa free time mo? diba magrereview ka kahit di mo naman yun matatandaan? (masabi lang na nag-aral) Pagpasok nya ng room nagtataka ko kung bakit sya nakatayo sa harapan ko, at nakatitig sya saken. at ayun nga, may hawak akong libro sa Rizal. BOOM. Dalawa kameng nahuli non. Tas sabi nya ma-minus-an nya kame (ang big threat nyang MINUS hanggang maubos na grade mo). Pero, naawa pa sya samen diumano. may big deal sya na inoffer. Pag nasagot namen yung tanong nya wala na kameng minus, so kagat naman kame diba.

"BAKIT LUMAPIT ANG GAMU GAMO SA LAMPARA?"
sagot ko naman don, "na-curious sya sa apoy?". FAIL. hmm. Mali din si kristin. FAIL again. So okay.
ang sagot daw ayyyy....

"dahil sa ilaw na nakapaligid sa lampara, ayun!" , pagkakasabi nya na super confident.
tawanan naman kameng lahat. di ko din alam kun bakit kame tumawa non. LOL.

at ang ending?

DI NAMAN NYA KAME BINIGYAN NG MINUS.
wala napagkatuwaan lan ata kame.
wat duh. -_-

No comments:

Post a Comment