Thursday, September 2, 2010

Nahuli ulet kame ni Mr. Cabiling (Part 2) XD

Well, eto na naman, nahuli nanaman nya ko, at this time, di lan kame dalawa, halos lahat ng kag-group ko natiklo. LOL. kamusta naman ang magiging grade namen sa kanya, sa dame ng violation namen wala na ata kameng grade?

Kawawa talaga lage yung group namen (group 1). Kasi kame yung nasa may pinto, kaya pagpasok nya kame una nyang nakikita. Nagbabasa kame nun ng Hand-out sa Rizal(again). Midterm namen yun. Pero alert naman kame, Inaabangan namen kung papasok na sya. Pero walang kuwenta yung alertness namen.

Pagpasok nya nahuli nya kame. At ang sama ng tingin nya.

"HANU YYAAAN??"

Kanya kanyang isip ng palusot.
Kinuha nya lahat ng hand-outs.
Tinawag nya lahat ng may-ari nun.

ako pa na buena mano.
"dela cruz?"
   "ako po, nagpapaypay lang ako sir.."
pasimpleng bungisngis mga ka group ko.
Mukang di naniwala si sir. (pero nagpapaypay talaga ko non! swear!)

Tinawag na halos lahat, ang palusot nila, nakapatong lang sa desk nila..
at ang the best! si rose ann!

"vasquez?"
mukang inabangan nya talaga na tatawagin sya kasi lahat ng hand out may pangalan nya, sa kanya kasi galing yung original na copy.

unti unti pa syang nagtaas ng kamay.
"ee sir, nakapatong lan talaga yan sa desk ko"
 O_o yan ang reaction ni sir.

buhaha. kala namen nakapag isip na sya ng magandang palusot eh.
after nun, di na namen napigilan tumawa. TUDI THE BEST! :D

No comments:

Post a Comment