Monday, January 3, 2011

Fireworks.

Yung fireworks kanina dito samen. Superb! Overwhelming yun feeling. I can touch the sky! Mataas kasi tong lugar namen, every year sasalubungin namen ang new year sa aming terrace. Hola. Yung fireworks mala 2012, yung parang mga fireball na hinahabol ka. Nakakatakot. Parang gusto ko din tumakbo, pero, gustong gusto ng mata ko. 
Full of colour eyes, yan ang mga mata ko kanina. Sabay sabay pa kame tumatalon, pati si mama tumatalon. XD 
Masarap sa feeling. Lahat kame nakatingala, sa iisanag langit, lahat tayo. Alam kong noong mga sandaling yon lahat tayo nakatitig lang sa isang langit, sa magkakaibang lugar. 
Salamat at nakilala ko kayo. 

Usapang Censored

Nanonood kame ni mama kanina ng Jojo A. All the Way (Di ko din alam kung bakit namen sya pinapanuod ngayong araw). At may guest si Jojo A na sex guru. She’s talking about female masturbation blah blah.
“Yeah pedeng mag masturbate kahit may menstruation…”
I reacted, “Eww.”
Mom: Kadiri naman yun.
Ako: Narinig ko nga din dyan pede daw makipag-sex ng may menstruation.
Mom: Pede nga, kaya lang, nakakadiri, gross yun.
So I realized, we were talking about this without you know, this awkward feeling. We are both nodding at each other. 
But then, after a few minutes, i realized it felt weird though. LOL But i believe that talking with parents about sex education than in school is much better. I just felt this closeness between us that Im not afraid to ask about this questions, that would be useful in the far away future. LOL.
But I think its better if I talk with my Dad with this kind of topic, isnt it? haha! how I wish, that would be fun. I think men are more spontaneous with this than women. 
P.S. Nililinaw ko lang po na virgin pa po ako, napapag-usapan lamang ok? LOL

Broken things can never go back to its true form.

Kanina is our second day of decorating our house with christmas lights. Kami lang tatlo ni mama at lolo ang available na magkabit so maaga talaga ko umuuwi after class. Kahapon, ay nakabasag na ko ng dalawang christmas bulbs, pero yun yung tipo ng ordinaryong bulblang, marami kameng spare na ganun, so go lang after. 
Tapos ngayon, patapos na kame nun. Last series of christmas lights na. Yun yung favorite ko sa lahat. Basta ang cute nun, parang christmas balls na maraming glitters, tsaka makulay. Nagpatulong saken si Lolo na tanggalin sa pagkakabuhol yung wire. Ayun, di ko naman inaasahan na sobrang fragile yun, nakabasag ako ng isang ball. I was like, 
image
Sayang kasi. Irreplaceable yung isang yun. Wala kameng spare nun. At favorite ko yun. Naalala ko tuloy yung sa Tora Dora! yung sineset nila yung christmas tree sa gym. Natamaan ng baseball bat ni Minorin yung star na favorite ni Taiga. Pinilit talaga buuin ni Minorin yun. Hindi man katulad ng dati pero, atleast hindi nya hinayaan mawala.
Ganun din yung inisip ko kanina. Dinikit ko sya ulit using mighty bond. Nagkadikit dikit pa daliri ko. Pero worth it. Nabuo ko naman sya, though di na katulad ng dati, atleast I did my part, and i never let it disappear. MAY GINAWA AKO.
Ngayon naikabit na namen sya ulit :) 
(Posted on tumblr)

Movie Star

May araw na ba na dumating sa buhay mo na nakasakay ka sa jeep tapos, tapos nakatitig ka sa babaan ng jeep, na di mo alam, di mo mapigilan yung luha pero di mo alam kung bakit ka iiyak. Mabigat lang yung pakiramdam mo tapos hindi mo talaga mapigilan, kaya sa pilit mo sa sarili mo na hindi umiyak, sumisikip yung dibdib mo kaya di mo mabilang ang buntong hininga mo. At swerte, may dala kang eye glasses na walang grado, pang porma. Pero nang mga sandaling iyon nagamit mo sya para takpan kahit papano ang mga nangingilid mong luha. At bumaba ka ng jeep, umuulan. Nabasa ng putik ang paa mo, at muntik ka ng madulas. Mas lalong gustong pumatak ng luha. 
Parang sa pelikula talaga yung eksena ko kanina. Tapos, di ko alam kung saan ako pupunta. Pagkababa ko sa jeep na yun, hindi ko na alam. Sumakay ako ng jeep papuntang SM. Pagdating ko doon. Anu na? Anung ginagawa ko dito? 
Konting lakad para makihalo sa mga taong alam ang dahilan ng kanilang pagpunta doon. Pumila sa Scratch It. Humahanap ng dahilan upang kahit papano magkaroon ng saysay ang pagpunta sa mall. Wala din, hindi swerte.
Lakad ulit. Naghahanap ako ng makakainan ng cake. Pero madaming tao kaya wala din akong mauupuan. Pumunta na lang ako sa DQ at nag-order ng Blizzard. Pauwi na sana ako, ng nakita ko ang mga hayskul friends ko, konting chika. Yung pinaka close ko sa kanila hinatid pa ko sa sakayan ng jeep. Medyo, may magandang bagay na din na nangyari sa akin. Dahil sa kanya naramdaman kong importante ako dahil hinatid pa nya ko sa exit.
Puro putik ang paa ko pag uwi ko.
Sana nga lang may sumigaw na ng Cut!
Ayoko ng ganito. Kung ganito din lang ayoko ng maging movie star, porn starna lang. Joke. *knock on the wood*
Pinapatawa lang ang sarili.
(Posted on tumblr)

Tuesday, October 19, 2010

Sembreak Starts.

"Pumapatak nanaman ang ulan sa bubong ng bahay. Di maiwasang gumawa ng hindi inaasahang bagay... Ang araw ko'y nabubusisi ako and nasisisi. Bakit ba sila ganyan. Ang pera ko ay di magkasya. Hindi makapagsine at ayaw namang dagdagan..."


Ganto mismo ang simula ng aking sembreak. Though kakasimula pa lang, parang nababagot na ko. Hindi makalabas dahil walang pera, ayaw payagan ng napaka-protektib na nanay, umuulan, malakas ang hangin. Andameng sabagal sa masayang sembreak. Eto ang isa sa mga patunay ng aking kabagutan.




Wala pa kong lapis, diretsong bolpen yan,  pansinin ang mga linya linya. Badtrip. Nauubusan na ko ng gagawin, wala pang nangyayareng maganda. woooot.

Monday, October 18, 2010

     Kakatapos ko lang basahin kagabe yung Kyou, Koi Wo Hajimemasu (Today, I'll Start Our Love, a manga by Minami Kanan) .


     Ay, let me say first na mahilig  ako magbasa ng manga, or japanese comics. Mahilig na ko sa japanese anime since nagkaisip ako, haha kinder ata ako non. Yeah, nagsimula ako sa Heidi, Adventures of Tom Sawyer, those kind of animated series with European theme (setting was on London, States etc.), uso dati yun ee. Me and my mom enjoyed watching those TOGETHER :) (until now we laugh, sharing stories about those, and we still remember). There goes my addiction for animated shows, nagtaka ko kung panu yun gumagalaw eh alam ko na dinrawing lang yun.       Humanga ako, parang, kung may natural wonders, yun yung artificial wonders for me. 
     Ayun, from them on, name that anime, I know it. Name the character, and I would tell you what anime is it from. Minsan nga, sing that tune, minsan alam ko din. haha. One thing Im smart on.
     Then na-introduce ako sa manga nung collage i guess, i mean, alam ko na na nag-eexist yun, di pa nga lang ako mahilig dahil, to be honest, nabagot ako nung first attempt ko (yun ay Naruto, sinimulan ko kasi sa simula, eh since napanuod ku na yun, nabagot ako), saka wala syang kulay. Pero nung inen-courage ako nang aking dating classmate (na crush ko dati, haha lande), nag recommend sya ng manga then tinry ko. Ang aking first manga ay Love Monster ni Riko Miyagi.

    Addictive pala sya. When you appreciate the story and yung ganda ng pagkakagawa, boom. I dont know if its just me, pero ganun yung nangyare saken. And mas lalo ako na-inspire mag draw, especially ng anime charas.
     And going back to my statement. ayun nga at kakatapos ko lang basahin ang Kyou, Koi Wo Hajimemasu. May hang over pa ko sa story, usually ganito ako kapag nakakatapos ako. Its kinda different from finishing a romantic book or something, iba yung aftertaste, kasi may visuals ee, mas lalo ko syang naaalala, And, yung mga plots ng shoujo manga superb, kung gusto mong kiligin ng superb at mangawit panga mo sa ngiti, ito ang para sayo. haha. Hindi kasi lahat ng magandang manga ay nagagawang anime, minsan they are just left mangas, hiddden treasures, waiting for you to discover them.
    Yung fantasy ng mga kababaihan na katulad ko, yun yun exactly. yung hinahanap nameng mga babae sa guys(generally), yung mga leading man dun, yun sila ee! IDEAL MEN, they are made to be perfect. How I badly wish they are in real life (kahit hindi na yung physic, kahit yung ugali na lang). They are so rare. Naiin-love talaga ko sa kanila! haha. Isa akong Moe (girls who fall in love with anime/manga characters). I confess. XD
    Magandi din yung mga Shounen na manga, like Naruto, Bleach, One piece. For Shoujo, Love Monster, Moe Kare, B.O.D.Y., Kyou, Koi Wo Hajimemasu etc.
    Try mo :D

Thursday, October 7, 2010

MORE TO LIFE THAN WHAT IT IS RIGHT NOW

Naalala ko lang yung feeling nung nag-text saken yung friend ko kanina lang. ang sabi nya..

"ui kamusta? ^^ mukang ang gaganda ng nangyayare sa buhay mo these past few days ah? Share :))
then i replied...

"Oo, masaya, nagpunta kameng Bohol saka Cebu, all over Rizal, though bumabawi yung mga prof sa pagpapahirap this week, all worth it. Ang ganda ganda dun :D"

"Na-curious lang kasi obvious na kung san san ka nagpupunta. Good for you dude :))"

Then i realized how badly I want to share what I saw. Gusto ko makita din nila yung nakita ko. Kasi iba talaga yung feeling. Parang, this is life pala.

Kaya ko ito nasasabi dahil, noong highschool pa ko, ang alam ko lang na boundary ko ay ang mall na pinakamalapit samen, bawal na lumagpas dun. At pag nakakapunta ko don, kasama ang mga kaibigan o pamilya, ang saya ko na (PROMDI). At ng collage na ko, andyan na si MANILA. Aminin ko namang na-culture shock ako. Though napaka lapit lang ng Cainta sa Manila, ang mga tao na nasa lugar, yun ang iba. Nanibago talaga ako. Pero habang tumatagal ako mag-aral sa PUP, natutunan ko ng mahalin ang Manila. Pagkatapos ko ma-inlove sa Manila, dahil sa aking course, na-humaling na ko pumunta pa sa ibat ibang sulok ng Pilipinas. Kahit papano ay meron na rin akong narating, mga lugar na hindi pa napuntahan ng pamilya ko, ng mga kaibigan ko. Napagpala ako dahil sa kurso ko, kung natuluyang Educ ang kinuha ko, hindi ko naman iyon mararating agad. Alam kong darating ang panahon na mararating din nila ang mga lugar na napuntahn o mapupuntahan ko, sa mabuting kapalarang naghihintay sa kanila dahil sa sipag nila, o baka ako ang magdala sa kanila don? haha. I'm Somehow blessed, dahil di katulad ng ibang tao, REQUIRED AKO MAG-TRAVEL. THe best.
There's more out of the box. Na-inspire ako. Kaya siguro curious ako sa life outside earth ee, kasi ang pinaniniwalaan ko, outside earth, aliens, planets na undiscovered still, planet Mars, meron pang naghihintay! if i can just be an astronomer.

Kahit nailitanya ko na ang kasayahan ng kurso ko, hanggang ngayon uncertain pa din ako kung para saken talaga ang course na to (Nung nagtanong ako sa Taoist Temple kung para saken ang Tourism, ang sagot, NO) I still love it. Enjoy ko lan muna kung san ako dadalin. No plans to go against the flow muna, kasi, di ko pa talaga alam kung saan ee.

maybe in a far distant place. to be? what? i still dont know.

i'll discover an island, specie, plant, flower, planet? and will name it after me. XD

madame pa talagang pede. 
I DREAM TO SHARE THESE TO EVERYBODY :D
SOMEDAY :)) SOON!
i hope so