Monday, January 3, 2011

Broken things can never go back to its true form.

Kanina is our second day of decorating our house with christmas lights. Kami lang tatlo ni mama at lolo ang available na magkabit so maaga talaga ko umuuwi after class. Kahapon, ay nakabasag na ko ng dalawang christmas bulbs, pero yun yung tipo ng ordinaryong bulblang, marami kameng spare na ganun, so go lang after. 
Tapos ngayon, patapos na kame nun. Last series of christmas lights na. Yun yung favorite ko sa lahat. Basta ang cute nun, parang christmas balls na maraming glitters, tsaka makulay. Nagpatulong saken si Lolo na tanggalin sa pagkakabuhol yung wire. Ayun, di ko naman inaasahan na sobrang fragile yun, nakabasag ako ng isang ball. I was like, 
image
Sayang kasi. Irreplaceable yung isang yun. Wala kameng spare nun. At favorite ko yun. Naalala ko tuloy yung sa Tora Dora! yung sineset nila yung christmas tree sa gym. Natamaan ng baseball bat ni Minorin yung star na favorite ni Taiga. Pinilit talaga buuin ni Minorin yun. Hindi man katulad ng dati pero, atleast hindi nya hinayaan mawala.
Ganun din yung inisip ko kanina. Dinikit ko sya ulit using mighty bond. Nagkadikit dikit pa daliri ko. Pero worth it. Nabuo ko naman sya, though di na katulad ng dati, atleast I did my part, and i never let it disappear. MAY GINAWA AKO.
Ngayon naikabit na namen sya ulit :) 
(Posted on tumblr)

No comments:

Post a Comment