Thursday, October 7, 2010

MORE TO LIFE THAN WHAT IT IS RIGHT NOW

Naalala ko lang yung feeling nung nag-text saken yung friend ko kanina lang. ang sabi nya..

"ui kamusta? ^^ mukang ang gaganda ng nangyayare sa buhay mo these past few days ah? Share :))
then i replied...

"Oo, masaya, nagpunta kameng Bohol saka Cebu, all over Rizal, though bumabawi yung mga prof sa pagpapahirap this week, all worth it. Ang ganda ganda dun :D"

"Na-curious lang kasi obvious na kung san san ka nagpupunta. Good for you dude :))"

Then i realized how badly I want to share what I saw. Gusto ko makita din nila yung nakita ko. Kasi iba talaga yung feeling. Parang, this is life pala.

Kaya ko ito nasasabi dahil, noong highschool pa ko, ang alam ko lang na boundary ko ay ang mall na pinakamalapit samen, bawal na lumagpas dun. At pag nakakapunta ko don, kasama ang mga kaibigan o pamilya, ang saya ko na (PROMDI). At ng collage na ko, andyan na si MANILA. Aminin ko namang na-culture shock ako. Though napaka lapit lang ng Cainta sa Manila, ang mga tao na nasa lugar, yun ang iba. Nanibago talaga ako. Pero habang tumatagal ako mag-aral sa PUP, natutunan ko ng mahalin ang Manila. Pagkatapos ko ma-inlove sa Manila, dahil sa aking course, na-humaling na ko pumunta pa sa ibat ibang sulok ng Pilipinas. Kahit papano ay meron na rin akong narating, mga lugar na hindi pa napuntahan ng pamilya ko, ng mga kaibigan ko. Napagpala ako dahil sa kurso ko, kung natuluyang Educ ang kinuha ko, hindi ko naman iyon mararating agad. Alam kong darating ang panahon na mararating din nila ang mga lugar na napuntahn o mapupuntahan ko, sa mabuting kapalarang naghihintay sa kanila dahil sa sipag nila, o baka ako ang magdala sa kanila don? haha. I'm Somehow blessed, dahil di katulad ng ibang tao, REQUIRED AKO MAG-TRAVEL. THe best.
There's more out of the box. Na-inspire ako. Kaya siguro curious ako sa life outside earth ee, kasi ang pinaniniwalaan ko, outside earth, aliens, planets na undiscovered still, planet Mars, meron pang naghihintay! if i can just be an astronomer.

Kahit nailitanya ko na ang kasayahan ng kurso ko, hanggang ngayon uncertain pa din ako kung para saken talaga ang course na to (Nung nagtanong ako sa Taoist Temple kung para saken ang Tourism, ang sagot, NO) I still love it. Enjoy ko lan muna kung san ako dadalin. No plans to go against the flow muna, kasi, di ko pa talaga alam kung saan ee.

maybe in a far distant place. to be? what? i still dont know.

i'll discover an island, specie, plant, flower, planet? and will name it after me. XD

madame pa talagang pede. 
I DREAM TO SHARE THESE TO EVERYBODY :D
SOMEDAY :)) SOON!
i hope so

No comments:

Post a Comment