Tuesday, October 19, 2010

Sembreak Starts.

"Pumapatak nanaman ang ulan sa bubong ng bahay. Di maiwasang gumawa ng hindi inaasahang bagay... Ang araw ko'y nabubusisi ako and nasisisi. Bakit ba sila ganyan. Ang pera ko ay di magkasya. Hindi makapagsine at ayaw namang dagdagan..."


Ganto mismo ang simula ng aking sembreak. Though kakasimula pa lang, parang nababagot na ko. Hindi makalabas dahil walang pera, ayaw payagan ng napaka-protektib na nanay, umuulan, malakas ang hangin. Andameng sabagal sa masayang sembreak. Eto ang isa sa mga patunay ng aking kabagutan.




Wala pa kong lapis, diretsong bolpen yan,  pansinin ang mga linya linya. Badtrip. Nauubusan na ko ng gagawin, wala pang nangyayareng maganda. woooot.

Monday, October 18, 2010

     Kakatapos ko lang basahin kagabe yung Kyou, Koi Wo Hajimemasu (Today, I'll Start Our Love, a manga by Minami Kanan) .


     Ay, let me say first na mahilig  ako magbasa ng manga, or japanese comics. Mahilig na ko sa japanese anime since nagkaisip ako, haha kinder ata ako non. Yeah, nagsimula ako sa Heidi, Adventures of Tom Sawyer, those kind of animated series with European theme (setting was on London, States etc.), uso dati yun ee. Me and my mom enjoyed watching those TOGETHER :) (until now we laugh, sharing stories about those, and we still remember). There goes my addiction for animated shows, nagtaka ko kung panu yun gumagalaw eh alam ko na dinrawing lang yun.       Humanga ako, parang, kung may natural wonders, yun yung artificial wonders for me. 
     Ayun, from them on, name that anime, I know it. Name the character, and I would tell you what anime is it from. Minsan nga, sing that tune, minsan alam ko din. haha. One thing Im smart on.
     Then na-introduce ako sa manga nung collage i guess, i mean, alam ko na na nag-eexist yun, di pa nga lang ako mahilig dahil, to be honest, nabagot ako nung first attempt ko (yun ay Naruto, sinimulan ko kasi sa simula, eh since napanuod ku na yun, nabagot ako), saka wala syang kulay. Pero nung inen-courage ako nang aking dating classmate (na crush ko dati, haha lande), nag recommend sya ng manga then tinry ko. Ang aking first manga ay Love Monster ni Riko Miyagi.

    Addictive pala sya. When you appreciate the story and yung ganda ng pagkakagawa, boom. I dont know if its just me, pero ganun yung nangyare saken. And mas lalo ako na-inspire mag draw, especially ng anime charas.
     And going back to my statement. ayun nga at kakatapos ko lang basahin ang Kyou, Koi Wo Hajimemasu. May hang over pa ko sa story, usually ganito ako kapag nakakatapos ako. Its kinda different from finishing a romantic book or something, iba yung aftertaste, kasi may visuals ee, mas lalo ko syang naaalala, And, yung mga plots ng shoujo manga superb, kung gusto mong kiligin ng superb at mangawit panga mo sa ngiti, ito ang para sayo. haha. Hindi kasi lahat ng magandang manga ay nagagawang anime, minsan they are just left mangas, hiddden treasures, waiting for you to discover them.
    Yung fantasy ng mga kababaihan na katulad ko, yun yun exactly. yung hinahanap nameng mga babae sa guys(generally), yung mga leading man dun, yun sila ee! IDEAL MEN, they are made to be perfect. How I badly wish they are in real life (kahit hindi na yung physic, kahit yung ugali na lang). They are so rare. Naiin-love talaga ko sa kanila! haha. Isa akong Moe (girls who fall in love with anime/manga characters). I confess. XD
    Magandi din yung mga Shounen na manga, like Naruto, Bleach, One piece. For Shoujo, Love Monster, Moe Kare, B.O.D.Y., Kyou, Koi Wo Hajimemasu etc.
    Try mo :D

Thursday, October 7, 2010

MORE TO LIFE THAN WHAT IT IS RIGHT NOW

Naalala ko lang yung feeling nung nag-text saken yung friend ko kanina lang. ang sabi nya..

"ui kamusta? ^^ mukang ang gaganda ng nangyayare sa buhay mo these past few days ah? Share :))
then i replied...

"Oo, masaya, nagpunta kameng Bohol saka Cebu, all over Rizal, though bumabawi yung mga prof sa pagpapahirap this week, all worth it. Ang ganda ganda dun :D"

"Na-curious lang kasi obvious na kung san san ka nagpupunta. Good for you dude :))"

Then i realized how badly I want to share what I saw. Gusto ko makita din nila yung nakita ko. Kasi iba talaga yung feeling. Parang, this is life pala.

Kaya ko ito nasasabi dahil, noong highschool pa ko, ang alam ko lang na boundary ko ay ang mall na pinakamalapit samen, bawal na lumagpas dun. At pag nakakapunta ko don, kasama ang mga kaibigan o pamilya, ang saya ko na (PROMDI). At ng collage na ko, andyan na si MANILA. Aminin ko namang na-culture shock ako. Though napaka lapit lang ng Cainta sa Manila, ang mga tao na nasa lugar, yun ang iba. Nanibago talaga ako. Pero habang tumatagal ako mag-aral sa PUP, natutunan ko ng mahalin ang Manila. Pagkatapos ko ma-inlove sa Manila, dahil sa aking course, na-humaling na ko pumunta pa sa ibat ibang sulok ng Pilipinas. Kahit papano ay meron na rin akong narating, mga lugar na hindi pa napuntahan ng pamilya ko, ng mga kaibigan ko. Napagpala ako dahil sa kurso ko, kung natuluyang Educ ang kinuha ko, hindi ko naman iyon mararating agad. Alam kong darating ang panahon na mararating din nila ang mga lugar na napuntahn o mapupuntahan ko, sa mabuting kapalarang naghihintay sa kanila dahil sa sipag nila, o baka ako ang magdala sa kanila don? haha. I'm Somehow blessed, dahil di katulad ng ibang tao, REQUIRED AKO MAG-TRAVEL. THe best.
There's more out of the box. Na-inspire ako. Kaya siguro curious ako sa life outside earth ee, kasi ang pinaniniwalaan ko, outside earth, aliens, planets na undiscovered still, planet Mars, meron pang naghihintay! if i can just be an astronomer.

Kahit nailitanya ko na ang kasayahan ng kurso ko, hanggang ngayon uncertain pa din ako kung para saken talaga ang course na to (Nung nagtanong ako sa Taoist Temple kung para saken ang Tourism, ang sagot, NO) I still love it. Enjoy ko lan muna kung san ako dadalin. No plans to go against the flow muna, kasi, di ko pa talaga alam kung saan ee.

maybe in a far distant place. to be? what? i still dont know.

i'll discover an island, specie, plant, flower, planet? and will name it after me. XD

madame pa talagang pede. 
I DREAM TO SHARE THESE TO EVERYBODY :D
SOMEDAY :)) SOON!
i hope so